Ang mga ninuno ay may sariling sistema ng pagsulat at pakikipagkalakalan bago pa man dumating ang mga Espanyol.
Ginagamit ng mga ninuno ang sistema ng balangay (uri ng bangka) para sa pakikipagkalakalan sa iba’t ibang pulo.
Mayroon ding sariling sistema ng pagsulat, ang Baybayin, isang uri ng abugida kung saan ang bawat simbolo ay kumakatawan sa isang pantig.
May iba’t ibang pangkat etnolingguwistiko ang mga ninuno na may kani-kaniyang kultura dahil sa pagkakahiwa-hiwalay ng mga pulo.
Maunlad na ang wikang sinasalita ng mga ninuno bago pa dumating ang mga Espanyol.
Dumaong ang barko ni Ferdinand Magellan sa isla.
Pinangalanan ni Ruy Lopez de Villalobos ang Leyte at Samar na Las Islas Filipinas, bilang pagpupugay kay Haring Felipe II ng Espanya.
Nagsimula ang daang-taong pananakop ng Espanya sa Pilipinas nang dumaong si Miguel Lopez de Legaspi sa Cebu.
Naging problema ang wika dahil hindi nagkakaintindihan ang mga dayuhan at ang mga ninuno.
Pinag-aralan ng mga misyonerong pari ang wika ng mga katutubo.
Nailimbag ang Doctrina Christiana, ang unang aklat sa Pilipinas na nakasulat sa Tagalog para sa mga misyonero, hindi para sa mga katutubo.
Nagbigay ng utos ang mga hari ng Espanya (Carlos I at Felipe II) na gamitin ang wikang Espanyol, ngunit hindi ito naipatupad nang maayos dahil hindi praktikal ang mga batas.
Nagkaroon ng mga paaralan, ngunit hindi organisado ang sistema. Bihira lang marinig ang wikang Espanyol at ang mga anak lamang ng mga Espanyol at mestizo ang nakakagamit nito bilang midyum ng pagtuturo.
Naipatupad ang utos na gamitin ang Espanyol sa mga mabababang paaralan para sa tatlong layunin:
1) pagpapalaganap ng Katolisismo;
2) pagtuturo ng Espanyol; at
3) paghahanda ng mga magiging guro ng Espanyol.
Sinimulan ang pagtatayo ng mga paaralan sa Maynila para sa mga magiging guro ng Espanyol at mga mabababang paaralan para sa lalaki at babae. Tanging wikang Espanyol lamang ang pinapayagan sa mga paaralan.
Ginustong panatilihin ng mga Espanyol ang sistema ng pagtuturo na may pag-uulit lamang ng mga salita at dasal upang manatiling “nasa dilim” ang mga Pilipino.
Ayon sa sensos, 10% lamang ng populasyon ang nakakapagsalita ng wikang Espanyol bilang una at pangalawang wika.
Pinaniniwalaan ng mga misyonerong Espanyol na ang Tagalog ang wikang nangingibabaw.